Article

Media Festival at Adventist Communicator's Team Convention ginanap sa AIIAS

Sa temang “InterACT: Broadcast to Baptism” ay nagtipon-tipon ang mahigit sa dalawan-daang mga communication leaders, broadcasters, writers at iba’t ibang mga Adventist media groups and practioners sa kabuuan ng North Philippine Union Conference upang isagawa ang annual media festival at convention sa gymnasium ng Adventist International Institute of Advanced Studies sa Silang, Cavite.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng pagtitipong ito ay mabigyang inspirasyon ang mga leaders at myembro ng simbahan na magpatuloy sa pag-gamit ng Mass Media Communications para sa gawain ng evangelism. 

Para rin himukin ang lahat ng mga media ministries na gamitin ang direksyon ng “broadcast to baptism”, kung saan ay magkaroon sila ng ugnayan sa kanilang mga taga panood at taga pakinig upang maituro sila patungo sa Panginoon.

Sa huli ay mabigyang pagkilala ang mga Media Ministries at maipakita ang mga resulta ng kanilang mga programa.

Ayon kay General Conference, Communication Associate Director, Pastor Sam Neves na isa rin sa mga pangunahing tagapagsalita doon ay mahalaga ang pagkakaroon ng mga ganitong convention dahil dito ay nagkakaroon ng motivation at direksyon ang mga nakikisangkot sa gawain.

“When we gather, we remember to give our best and many people go home motivated to do and to give their best. The second thing that happens (when we gather) is a profound sense of direction- we are all going in this direction… there is a common goal, we’re all Seventh-day Adventist and we are here for the mission that was given to the church and so we all feel the sense of togetherness, of unity”, sabi ni Pastor Neves.

Tampok sa convention na ito ang mga sessions na may kinalaman sa branding na ibinahagi ni SSD Communication Director, Pastor Mamerto Guingguing. 

Ang paksa naman tungkol sa Hope Channel program guidelines ay ibinahagi ni Hope Channel Philippines President, Pastor Jonathan Catolico. 

Ibinahagi naman ni Unang Hirit news producer, Lilian Tiburcio ang tungkol sa news writing and reporting.

Samantala, tungkol naman sa broadcasting ethics ang ibinahagi ni SSD Adventist Media Director, Pastor Nelson Paulo. 

Tungkol sa Copyright and trademark naman ang ibinahagi ni Pastor Sam Neves. 

Kasama din doon ang drone flying tips na ibinahagi naman ng isa sa pinakamagaling na Drone pilot sa bansa na si Omell Cruz kasama si Macky Caroro. 

Sa huli ay ibinahagi ni NPUC Treasurer, Rabi Velasco at ni NPUC Advancement officer, Beth Casel ang tungkol sa donor interaction and advancement na mahalagang malaman ng mga dumalo lalo’t higit tungkol sa pagtustos sa pinansyal na aspeto ng kanilang mga Media Ministry.

Highlight din dito ang mga video presentations at reports mula sa mga media teams at communication departments, mga testimonies, short film festival tampok ang mga conversion stories at ang recognition at awarding para sa mga media producers at volunteers.

Ang pamunuan ng NPUC at ng Communication Department at Hope Channel Philippines ay lubos na nag papasalamat sa mga dumalo at sumuporta, nanalangin para sa tagumpay ng convention na ito.

Maaalala na ginanap din ang isang media convention na may temang; “ACT Now” sa Mountain Provinces Mission, Baguio City, noong nakaraang taon.

Back to list